Ilang oil firm, magpapatupad ng price hike

Muling magpapatupad ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa.

Sa abiso ng kompanyang Cleanfuel, may dagdag na P0.70 centavos sa kada litro ng diesel at P0.65 centavos naman sa kada litro ng gasolina.

Ang nasabing price adjustment ay epektibo bukas, araw ng Martes, alas-4:01 ng hapon.

Read More:  Mark Villar joins Senate majority bloc, raising membership to 14

Habang ang kompanyang Petrogazz at Seaoil ay may magkahalintulad na dagdag presyo na P0.80 sentimo sa kada litro ng diesel at gasolina.

May dagdag rin ang Seaoil na P0.85 centavos sa kada litro naman ng kerosene.

Read More:  NBI gets VP Sara’s affidavit on Gracioso claims

Ang price hike ng Petrogazz at Seaoil ay epektibo naman bukas, alas-6:00 ng umaga.

Ang pagtaas ng presyo ng gas, diesel at kerosene ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.