CDRRMO at EDC bubuo ng MOA kaugnay sa monitoring facility na itatayo ng nasabing korporasyon para sukatin ang buhos ng ulan sa kabundukan

SORSOGON CITY – Kinumpirma ni Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) head Luisito Mendoza na mayroong binubuong Memoramdum Of Agreement (MOA) sa pagitan nila at ng Energy Development Corporation (EDC).

Kaugnay umano ito sa planong paglalagay ng monitoring facility katulad ng rain gauge, isang instrumento na sumusukat ng lakas ng bagsak ng ulan sa isang lugar.

Hakbang umano ito upang kanilang malaman ang kasalukuyang sitwasyon lalo pa nga at may mga pagkakataong napakalakas na ng buhos ulan sa kabundukan subalit dito sa ibaba ay hindi naman umuulan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya, paraan na rin umano ito upang masigurong walang pag-apaw ng tubig na magaganap sa mga ilog dito sa lungsod.

Ayon pa sa opisyal, ang mga datos kasing nakokolekta at naibibigay ng nasabing mga ekipahe ay malaking tulong upang kanilang ma-assess ang sitwasyon.

Aniya, ito kasi ang kanilang barometro kung kailangan na bang bigyan ng babala ang mga residenteng nakatira sa mga low lying areas.

Una rito, sinabi ng opisyal na ang nasabing mga rain gauge ay nakapuwesto sa mga strategic na lugar sa may bahagi ng Barangay Guinlajon, Barangay Rizal, Kawayan River gayundin sa piling lugar sa distrito ng Bacon.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala, handang handa ang CDRRMO ngayong pumasok na ang panahon  ng La Niña.

Ayon pa kay Mendoza, sa katunayan pinapanatili nilang malinis ang mga drainage canal at iba pang daluyan ng tubig.

Dagdag pa nito, sapat din umano ang kaalaman at kasanayan ng kanilang mga tauhan pagdating sa water assets.