Maricar Reyes, namaga ang mata dahil sa expired na contact lenses

Nagpaalala ang aktres na si Maricar Reyes hinggil sa paggamit ng contact lenses.

Kamakailan kasi ay naranasan nito ang matinding pananakit ng kanyang mata dahil sa matagal na pagsusuot ng expired na contact lenses.

Aminado naman din ang aktres na naging iresponsable siya rito.

Read More:  Regine announces free final major solo concert

Ayon kay Maricar, ilang araw rin niyang hindi naidilat ang kaniyang mata sa sobrang sakit at pamamaga nito.

Paliwanag aniya ng kanyang doktor, hindi ‘one-size-fits-all’ ang contact lenses.

Para aniya makahinga nang maayos ang cornea, dapat maganda ang fit at material ng contact lens.

Read More:  Will Ashley says he and Mika Salamanca have grown closer

Ngayon, naghilom na raw ang galos sa kaniyang cornea.

Abiso niya sa publiko, huwag nang paabutin pa sa kaparehong sitwasyon ang paggamit ng contact lens.

Dapat din daw magpatingin sa mga opthalmologist para maalagaan nang tama ang mata.