Kinumpirma ng Israel na napatay sa airstrike nito sa Beirut ang Hezbollah leader na si Sayyed Hassan Nasrallah noong Biyernes.
Napatay ang lider sa targeted strike sa underground headquarters ng grupo sa southern suburbs ng Beirut.
Si Nasrallah ang pinuno ng nasabing grupo sa loob ng 32 taon.
Sa kabila ng pagkakapatay sa lider, iginiit ng Israel Military na tuloy pa rin ang kanilang pakikipaglaban.
Kaugnay nito, inatasan na ang DFA at DMW na iuwi na ang ating mga kababayang Pinoy sa Lebanon bago pa lumalala ang tensyon.