COC filing bukas – kasado na

Aarangkada na bukas, October 1, ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidato para sa May 2025 National and Local Elections.

Ayon sa COMELEC, tatagal ang paghahain ng kandidatura ng walong araw na magsisimula alas otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Paalala naman ng poll body, dapat kumpleto na ang mga dokumento ng isang kandidato para abutin lamang ng hanggang limang minuto ang paghahain ng COC.

Sa Manila Hotel ang venue para sa mga tatakbo sa senatorial at party-list race habang gaganapin sa mga lokal na tanggapan ng Comelec ang paghahain ng kandidatura para sa mga tatakbo sa pagka-kongresista at iba pang lokal na posisyon.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Samantala, nakatakda na ring magtapos ngayong Lunes, ang voter registration sa bansa.

Kaya hinikayat ng COMELEC ang mga botanteng hindi pa nakapagpapatala na samantalahin ang huling araw ng registration upang makaboto sila sa halalan sa susunod na taon.