House Panel chair, kumpiyansang mabilis na matatalakay ang panukalang pambansang budget sa Senado

Tiwala si House Committee on Appropriations Chairman Elizaldy Co na maipapasa rin ng Senado sa lalong madaling panahon ang panukalang pambansang budget sa susunod na taon.

Ayon kay Co, sisiguruhin ng General Appropriations Bill na maipagpapatuloy ang paglago at kaunlaran ng bansa.

Mabusisi aniyang binuo ang GAB at tinitiyak na maibabalik ang bawat piso sa mamamayan sa pamamagitan ng kapalit na serbisyo at programa.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Binigyang-diin nito na sa kabila ng mga hamon na nagpaantala sa budget deliberations kabilang ang kawalan ng kooperasyon ng ilang ahensya ng gobyerno, nagawa pa ring aprubahan ang budget nang may transparency at accountability.

Hindi umano hinayaan ng Kongreso na maabala ang trabaho at siniguro pa rin ang sapat na pondo upang magampanan nang maayos ang mandato ng ahensya.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Dagdag pa ni Co, ipinasa ang budget hindi para maabot ang deadline kundi upang patunayan ang dedikasyon sa paglilingkod.

Ipinunto ng kongresista na kasama sa susuportahan ang legacy projects sa food security, pagtatayo ng specialized hospitals at pabahay para sa mahihirap.