Pharmally director Linconn Ong ‘kakanta’ na sa mga Senador?

Nakatakda umanong isiwalat ni Pharmally Pharceuticals director Linconn Ong ang mga nalalaman nito kaugnay sa mga transaction ng kanilang kompanya sa PS-DBM.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson hiniling umano ni Ong na makausap ang mga senador sa isang executive session upang sabihin ang hindi niya masabi sa senate blue ribbon hearing.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ito din umano ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang paglipat kay Ong mula sa senado patungong Pasay City Jail.

Magugunitang ikinustodiya ng mga Senador si Ong matapos ang umano’y paulit-ulit na pagsisinungaling sa pagdinig kaugnay na pagbili ng gobyerno ng pamahalaan ng mga PPEs noong unang bahagi ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Inaasahan naman ng mga senador na ilalahad ni Ong ang naging papel ni dating presidential adviser Michael Yang sa transaksiyon ng Pharmally sa gobyerno.