Libreng Sakay Program ng LTFRB-12 muling nagbabalik!

KORONADAL CITY — MULING nagbabalik ang Libreng Sakay Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB-12.

Ito ang kinumperma ni Paterno Reynato Padua, Regional Director ng LTFRB-12 sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Padua na mas mataas ngayon ang pondo para sa Libreng Sakay Program kung saan aabot sa P280 million para sa buong Rehiyon-12.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Nilinaw naman nito na nadagdagan ang mga sasakyan na manging parte ng programa dahil kabilang na ang mga public utility jeep o PUJ, UV Express vans, mga bus at iba pang mga public utility vehicles.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa panibagong Libreng Sakay Program, maaari nang magsama sa isang sasakyan ang mga Authorized Person Outside Residence o APORs at mga healthcare workers ngunit mananatili sa 70% ang capacity ng bawat sasakyan dahil nasa Alert Level 2 pa ang Rehiyon-12.

Tatagal umano ng dalawang buwan ang programa.