So.Cot nananatiling ASF-free

KORONADAL CITY- WALANG outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng South Cotabato.
Ito ang inihayag ni Provincial Veterinary Officer Dr. Flora Bigot matapos na idineklarang incursion case ang nangyari sa bayan ng Banga at hindi outbreak dahil ang baboy ay mula sa ibang lugar at dinala lamang sa naturang bayan.

Napag-alaman na 283 na mga baboy na sakop ng 500-meter radius ang isinailalim sa mandatory culling at inilibing upang hindi na kumalat pa ang virus.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Sa ngayon, hindi pa makakapagbigay ng ayuda ang provincial government sa mga apektadong backyard hog raisers dahil sa election ban, ngunit pinasiguro ni Bigot na tutulungan ang mga ito sa ilalim ng dispersal program.

Ang South Cotabato ay nananatili sa green zone at maikokonsidera pa rin na ASF-free.

Samantala, negatibo na sa ASF ang mga blood samples na kinuha mula sa mga baboy na sakop ng 500 meter quarantine zone at 7-kilometer radius sa Banga.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Aminado naman si Bigot na mayroong pagkakamali sa kanilang panig sa pagtukoy sa mga babuyan na sakop ng 500-meter radius para sa culling.

Apat na mga backyard hog raisers ang apektadong ng naturang error ngunit ayon sa opisyal ay nabayaran na nila ang mga hog raisers sa kung magkano ang halaga ng kanilang baboy na nadamay sa culling.