Libreng Sakay ng LTFRB Region 2, matatapos na ngayong araw

Matatapos na ngayong araw ang programa ng LTFRB Region 2 na Libreng Sakay at Service Contracting Program.

Ayon sa kagawaran, ito ay dahil patapos na rin umano ang effectivity ng Bayanihan to Recover as One Act kung saan nanggagaling ang pondo para sa naturang programa.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa pamamagitan nito ay natulungan ang mga operator at drayber na sumali sa SCP para sa kanilang tuloy-tuloy na biyahe ngayong panahon ng pandemya maging ang mga pasahero na sakop ng programa.

Naging matagumpay naman umano ang pagpapatupad ng Service Contracting Program bagaman ito ang unang pagkakataon na maisagawa kung saan layunin nitong maiangat ang antas ng serbisyo sa public transportation para sa mga commuters.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Naging ligtas din umano ang biyahe dahil sa mahigpit na pagsunod sa health protocols kontra COVID-19.