Libreng COVID-19 testing sa publiko nakapaloob sa 2022 budget – Angara

May sapat na pondo ang pamahalaan ngayong 2022 para sa libreng COVID-19 testing at paghire ng mga tracers.

Ito ang inihayag ni Senate Finance Committee chairman Senate Sen. Sonny Angara.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Paliwanag ni Angara may inilaang pondo sa 2022 National Budget para sa libreng COVID-19 testing ng publiko.

Iginiit ng senador na aabot sa P17.85 billion ang inilaan para sa “COVID-19 Laboratory Network Commodities” na maaring gamitin para sa free testing.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Kasabay nito umapela si Angara sa DOH na agad na idownload ang naturang pondo para makapag-test ng libre sa publiko lalo na sa mga kababayan nating walang pambayad sa sobrang mahal na COVID-19 testing.