LGU Surallah nagpalabas ng EO upang mapigilan ang pagkalat ng ASF

KORONADAL CITY- NAGPALABAS ng Executive Order o EO No. 017 si Surallah Mayor Antonio Bendita na nagtatakda ng mga panuntunan upang masugpo ang pagkalat ng African Swine Fever o ASF sa kanilang bayan.
Ito’y matapos nakapagtala ang Surallah ng confirmed case ng ASF sa Barangay Naci na naging dahilan ng pag-cull sa mahigit 100 mga baboy na sakop ng 500 meter radius sa Sitio Cabuling at Sitio Aliwanay.
Sa naturang EO, iniutos ng alklade ang pagtatag ng inter-barangay border control.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Pansamantala ding ipinagbabawal ang pagkatay ng baboy hanggang sa June 18, 2022.

Mahigpit namang ipatutupad ang No Movement sa mga baboy mula sa isang barangay papunta sa ibang barangay at ang pagbiyahe ng baboy sa labas ng Surallah.

Samantala, pinapayagan ang pagpapasok ng mga fresh at frozen pork products mula sa ibang munisipyo na hindi apektado ng ASF basta lamang mayroon ang mga itong Meat Inspection Certificate.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Magsasagawa din ang LGU ng strict implementation ng quarantine measures sa ASF contingency plan at weekly disease monitoring sa mga babuyan.

Ang EO ay epektibo hanggang sa June 30, 2022.