KORONADAL CITY- NAGPALABAS ng cease and desist order ang Department of Human Settlement and Urban Development o DHSUD Region 12 laban sa TAWO Magkabahay Realty sa Barangay Colongulo sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Sa advisory ng DHSUD 12 sa pamumuno ni Regional Director Jennifer Bretaña, pinahihinto na ang TAWO Magkabahay Realty sa pagbebenta ng lupa sa naturang lugar dahil sa kabiguan nito na makakuha ng Certificate of Registration at License to Sell.
Hinihikayat naman ang publiko na huwag nang makipagtransaksyon sa sinumang imbolbado sa nasabing proyekto.
