Albay 2nd district DPWH ipinaliwanag ang kadahilanan ng isang taong construction ng Maharlika highway

LEGAZPI CITY – Inaksyunan na ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Albay 2nd District ang mga sirang kalsada o ilang section sa Maharlika Highway ng Daraga patungong Sorsongon.

Ipinaliwanag ni Richard De Jesus ang tagapagsalita ng nasabing tanggapan, kung bakit umaabot ng humigit kumulang sa isang taon ang proyekto ay dahil sa weather condition na makakaapekto sa pagsasaayos ng kalsada.

Aniya, ang Bicol Region ay isa mga daanan ng mga bagyo kung kayat maapektohan ang construction nito.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Dagdag pa nito, bumaba na rin ang pondo na mula pa sa National Government kung kayat sinisimulan na ng ahensya ang pagsasaayos ng kalsada.

Ang pagsasaayos na ito ang mayroong apat na projects na magsisimula sa Barangay Peñafrancia, Tabon Tabon, Namantao at Bascaran.

Sinabi ng opisyal maaaring tapusin ang proyekto sa loob ng 10 buwan na base sa kanilang kontrata mula Hunyo 2022 hanggang Marso 2023 kung walang masamang panahon.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Nagbigay rin ng abiso ang DPWH ng alternatibong daanan para sa mga bumabyahe patungong Sorsogon na galing sa Manila, dumaan sa Tagaytay Camalig bilang alternatibong daanan.

Sa mga galing Daraga at tutungo ng airpot, dumaan umano sa T- Perez St. ng Gabawan at lulusot ng Tabon Tabon.

Samantalang ang mga galing naman sa Sorsogon na tutungo sa Legazpi, dadaan na sa barangay Mayon patungong Taysan. Humihingi naman ng pasensya ang ahensya sa abalang hatid ng proyekto.