LGU-Sta Magdalena, magbibigay ng ayuda sa mga hog raisers na naapektuhan ng ASF

SORSOGON CITY – Mamamahagi ng tulong pinansyal ang LGU-Sta Magdalena sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Ang P5, 000.00 ayuda sa bawat may-ari ng piggery, anuman ang bilang ng mga baboy na nadepopulate; ay nakapalaman mismo sa EO No. 19 ni Mayor Mark Jewery Lozano.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Apat naman na Sitio sa Brgy San Roque ang lugar na saklaw ng depopulasyon, kinabibilangan ito ang Sitio Hinonangan, Pilit Baba at Taas, Centro at Tagongtong.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Maaari din na palawakin ang quarantine zone o area depende sa kalalabasan ng surveillance at technical recommendation ng Dept of Agriculture Regional ASF Incident Command sakaling may matukoy pa na aktibong kaso sa ibang lugar.