LGU Naga, sisikapin na maisama sa annual budget ang P1,000.00 na Social Pension para sa mga Indigent Solo Parent sa taong 2025

NAGA CITY – Sisikapin ng Lokal na Pamahalaan ng Naga, na maisama sa Annual Budget ang P1,000.00 na Social Pension para sa mga Indigent Solo Parent sa taong 2025.

Ito ang kinumpirma ni City Administrator, Elmer Baldemoro, kaugnay sa Republic Act 11681 o Expanded Solo Parent Act na naglalayon na mabigyan ng P1,000.00 kada buwan ang mga kwalipikadong mga benepisyaryo na una na ring naging pagtitiyak ni Mayor Nelson Legacion, kung saan mga LGU ang maghahanap ng pondo para sa naturang programa na maaaring babaan depende sa kakayanan ng isang Munisipalidad.

Ayon pa sa opisyal, mahirap para sa kanila lalo na’t mahigit 2,000.00 na mga Solo Parent ang rehistrado sa lungsod, at maaaring umabot sa P24 milyon ang budget nito sa susunod na taon.

Kung kaya magkakaroon ng masusing screening at assessment sa mga Solo Parent lalo na’t hindi lahat mabibigyan o mga indigent Solo Parent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *