Helicopter ni Pastor Quiboloy – natagpuan ng CAAP-Davao na lumilipad at papunta sa mga ari-arian ng religious leader

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines -Davao Region sa na-monitor nila ang personal helicopter ni Apollo Quiboloy na lumilipad sa nakaraang linggo.

Ayon sa ahensya, ang RPC 8488 black helicopter ay lumipad mula sa Apollo Air Business, Kingdom of Jesus Christ (KJC) hangar malapit sa Davao International Airport bandang alas-diyes ng umaga at lumapag sa Malungon, Sarangani, Davao Occidental, ngunit bumalik sa lungsod pagkatapos ng isang oras.

Namataan din ng ahensya sa pamamagitan ng kanilang “live flight tracker” ang helicopter na ginagamit para magtungo sa Prayer Mountain sa Tamayong sa Calinan District, gayundin sa iba pang ari-arian ni Quiboloy.

Paglilinaw ng ahensya – hindi pinagbawalan ng CAAP-Manila ang paglipad ng chopper ni Quiboloy sa kahit saang bahagi ng bansa kahit itinuring na pugante ang pastor.

Samantala, kinumpirma naman ng Philippine National Police-National Headquarters na may lead na ang “tracker team” sa kinaroroonan ng religious leader. (with reports from BNFM Davao | EMMAN DELA PE√ĎA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *