Lalaki na armado ng itak, nag-amok sa Puerto Princesa, arestado!

Naalarma ang mga nakatira sa Green Valley Barangay San Jose sa Puerto Princesa matapos na mag-amok ang isang lalaki kagabi, March 22.

Kinilala sa alyas na “Mike” ang lalaki na mahigit isang oras umano na nag-amok sa lugar habang armado ng itak bandang alas-diyes kagabi.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Tinangka pa raw nitong atakehin ang isang tauhan ng Anti- Crime Task force subalit hindi sila tinamaan ng itak.

Kalaunan ay naagaw ng pwersa ng Anti- Crime at mga tanod sa lalaki ang itak at tuluyang itong inaresto.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Samantala, napag-alaman na may problema sap ag-iisip ang lalaki kaya dinala ito sa drop-in center ng lungsod, ayon sa pulisya.