LGU hindi dapat nakikialam sa operasyon ng Matnog Port – ARTA

SORSOGON CITY – Tahasang sinabi ng Anti-Red Tape Authority, sa katauhan ng deputy director nito na si Carlos Quita na walang hurisdiksyon ang mga LGUs sa operasyon ng mga pantalan.

Binasehan nito ang natanggap na ulat mula sa mga logistic firm na ang LGU ay nakialam sa operasyon ng port at lumikha pa ng isang task force.

Aniya, lumilitaw sa nasabing task force na inagaw na nito ang awtoridad ng Phil. Ports Authority (PPA) sa paghawak ng operasyon at pamamahala ng Matnog Port.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Wala din umanong karapatan ang nasabing task force na pigilan ang mga cargo truck mula sa pagsakay sa mga barko kung mayroon namang mga kinakailangang business permit, lisensya at mga kaugnay na dokumentos ang mga ito.

Dagdag pa ng opisyal na dapat sinusunod ng LGU ang bagong pinirmahan na Joint Memorandum Circular 2021-01 na nagbabawal sa hindi awtorisadong koleksyon ng mga bayarin at buwis sa mga transport goods.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Upang matugunan ang mga alalahanin na ito, layunin ngayon ng ARTA na maglagay ng isang one-stop-shop sa Matnog Port upang ma-plantsa ang mga proseso at maputol na ang red tape sa nasabing pantalan.

Patuloy ang pag-uusap kung ano-anong ahensya ang kasali sa one-stop-shop, ngunit sa paunang listahan ay kasama ang PPA, Phil Coast Guard at mga operators ng barge.