1 patay, 1 missing sa pagbaha sa South Cotabato


KORONADAL CITY — NAGPAPATULOY ngayon ang search, rescue and retrieval operation sa 55-anyos na lalaking tinangay ng malakas na pagbaha kasama ang 14-anyos na anak nito kahapon sa bahagi ng Banga River, Purok Paraiso, Barangay San Miguel, Norala, South Cotabato.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Norala MDRRMO Officer Aiza Lim, kinilala nito ang biktima na si Prudencio Moreno, na patuloy pang pinaghahanap hanggang sa ngayon.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Una nang nakita ang anak nitong si Divine Grace na wala nang buhay kahapon ng hapon sa Purok Lambunao sa Barangay BS Aquino ngunit hanggang sa ngayon, hindi pa nakikita ang ama nito.

Ayon kay Lim, kapwa mga residente ng Barangay Puti sa bayan ng Norala ang mag-ama at may itikan lamang sa Barangay San Miguel kung saan sila tinganay ng pagbaha.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Sa ngayon kinumperma ni Lim na nakikipag-ugnayan na sila sa PDRRMC ng karatig-probinsiya ng Sultan Kudarat para sa mabilis na paghahanap sa nawawalang biktima.