LGU Daraga, pinapatutukan ang Cagsawa Ruins na posibleng dagsain ng mga turista sa Semana Santa

LEGAZPI CITY – Pinapatutukan ng lokal na pamahalaan ng Daraga, Albay ang Cagsawa Ruins Park dahil sa posibleng pagdagsa ng mga turista sa darating na Semana Santa.

Sinabi ni Daraga Public Safety Information Officer Lorenzo Bañas sa Brigada News FM Legazpi, kumpara noong nakaraang taon na ilang tauhan lamang ng kanilang tanggapan ang dine-deploy sa lugar para magbigay ng seguridad sa mga turista, walong PSO personnel na ang kanilang ilalagay.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon kasi umano sa management ng Cagsawa Ruins Park, pinagbatayan nila ang bilang ng turistang dumating ngayong buwan ng Pebrero sa lugar na umabot sa mahigit 42,000 katao.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Dahil dito, inaasahan na posibleng mas dumoble pa ngayong buwan ang dumating, kung kaya kasama nila ang iba pang ahensya ng gobyerno sa paglalatag ng assistance center.

Samantalang, nilinaw naman ni Bañas na sa darating na Marso 24, epektibo na ang kanilang deployment plan kaya asahan ng publiko ang paghihigpit ng mga otoridad.