LGU Barcelona, bubuo ng sanitation control team na magpapatupad ng Zero Open Defecation ordinance

Bubuo ng Barangay at Municipal Sanitation Control Team ang Pamahalaang Bayan ng Barcelona, Sorsogon para sa pagpapatupad ng Municipal Ordinance No. 02-2023 o ang Zero Open Defecation Ordinance.

Mahalaga ang pagkakaroon ng nasabing ordinansa upang maisulong ang mas malinis na kapaligiran at maiwasan ang pagkalat ng ibat-ibang uri ng sakit tulad ng diarrhea at patawan ng penalidad ang sino mang lalabag dito.  

Read More:  12 injured in BJMP prisoner transport crash in Cotabato

Kasalukuyang nasa Sanggunian Panlalawigan ang nasabing Municipal ordinance para sa mas malawak at malalim na talakayan.

Matatandaan na Nobyembre ng nakaraang taon nang bisitahin ng Health Promotion Bureau ng Central Office ng Department of Health ang Lalawigan ng Sorsogon para suriin ang Zero open toilet campaign ng mga LGUs.

Read More:  Kanlaon erupts for three minutes, ashfall hits Canlaon city and nearby areas in Negros

Kabilang rin sa mga sinuri ay ang mga good practices ng mga ito pag dating sa environmental health and sanitation programs, zero open defecation practices, access to basic water supply, safely-managed water services at basic sanitation facilities and services.