LGBT member, huli sa pagnanakaw ng shampoo at lotion

BAUAN – Kamot ulo sa ngayon ang isang 22 anyos na LGBT member o bading matapos na mahuling nagnakaw ng shampoo, conditioner at lotion sa isang sikat na department store sa Brgy. Poblacion 4, Bauan, Batangas.

Kinilala ng Bauan Municipal Police Station ang suspek na si Roel Garcia y Ray na tubong Pangasinan at residente ngayon ng Brgy. Tawilisan, Sta Teresita, Batangas.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon kay PEMS Raymond Matibag ng Bauan MPS, nahuli ng civilian guard na tangkang nakawin ang apat na shampoo with conditioner, dalawang conditioner at dalawang face and body lotion.

Hindi na umano dumaan sa counter ang suspek ngunit nakita ito ng guard bago pa nakalabas ng store.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nakita rin umano sa CCTV ang ginawang pagnanakaw ng suspek.Nakatakas naman umano ang dalawa pang kasama nito na pumasok at nagnakaw rin sa naturang department store.

Agad itong itinurn-over sa mga kapulisan at nakatakdang sampahan ng kasong Theft.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente. | Mike Salgado