Deployment ng mga household services workers sa Pakistan, suspendido pa rin

Mananatiling suspendido ang pagpapadala ng mga Filipino household service workers sa Pakistan.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), hindi nila itutuloy ang deployment ng mga HSWs sa Pakistan hanggat may mapirmahan nang bilateral agreement ang Pilipinas at Pakistan.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Inilabas ng DMW ang abiso kasunod ng false reports na ni-lift na umano ng pamahalaan ang deployment ban ng mga HSWs sa naturang bansa.

Kasabay nito, ipinaliwanag ng ahensya na ang bilateral agreement ang siyang poprotekta sa mga domestic workers na ipadadala sa Pakistan.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Mababatid na noong 2018, sinuspindi ng Pilipinas ang pagde-deploy ng mga household service workers kasunod ng naging rekomendasyon ng Philippine embassy sa Islamabad.