NAGA CITY- Patay ang 26-anyos na kolektor ng lending company ng pagbabarilin sa Tinambac Camarines Sur.
Nangyari ang insidente sa Barangay Bolao Balite bandang alas 10:45 ng umaga nitong Lunes kung saan binabaybay ng biktimang si Reymark Sergio residente ng Dugcal Camaligan, Camarines Sur ang daan mula sa Barangay Cawaynan patungo sa Tinambac Proper nang bigla na lamang pagbabarilin ng dalawang kalalakihan na nag resulta sa agad nitong kamatayan.
Ayon sa ulat ng PNP Tinambac, nawawala ang sling bag ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng mga salaring kaagad na tumakas. Aabot sa P10-libo ang laman ng bag. Tinitingnan ang motibong hold up.
Nakuha sa pinagyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala, at magazine.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP Tinambac upang mahuli ang mga responsable sa pamamaslang.