Legazpi City, nakapagtala ng isang bagong kaso ng COVID-19 kahapon

LEGAZPI CITY – Isang karagdagang kaso ng COVID-19 ang nairehistro sa lunsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay kahapon, Agosto 28, 2022.

Ito ay batay sa datos na ipinalabas ni Albay Governor Noel Rosal mula sa Albay Provincial Health Office.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Kung titingnan ang datos, hindi umabot o lumagpas man sa sampung bilang ng kaso ng naturang sakit ang nabanggit na lunsod nitong nakaraang linggo, kung saan 2 kaso ang naitala rito noong Sabado, 6 noong nakaraang Biyernes, 9 noong Huwebes, 4 noong Miyerkules, 6 noong Martes, habang wala namang naitalang kaso noong Lunes.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Sa kabuuhan, 10 bagong kaso ang naitala sa buong lalawigan ng Albay kahapon.

Paalala pa rin ng PGA, ang palagiang pagsunod sa mga health protocols.