Legazpi City, nakapagtala ng 48°C na heat index kahapon

LEGAZPI CITY – Naitala kahapon, Mayo 19, sa lunsod ng Legazpi, lalawigan ng Alba yang 48 degrees Celsius na heat index.

Ayon sa CDRRMO, namataan ito bandang ala una ng hapon kahapon, na mayroong air temperature na 38.03 degrees Celsius at relative humidity na 49.25%.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Sa kabila ng mataas na heat index, nakaranas pa rin ng mga pag-ulan sa lunsod at sa ibang bahagi ng lalawigan, dahil sa inter-tropical convergence zone o ITCZ.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na maging alerto at mag-iingat upang makaiwas sa mga sakit na maaaring idulot ng init, o ng pabagu-bagong panahon.