LEGAZPI CITY – Nakapagtala muli ng panibagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) 19 Ang lungsod ng Legazpi.
Base sa tala ng City Government ng Legazpi, 16 ang nagpositibo ng covid 19 sa lungsod.
Pinakarami na tinamaan ng naturang sakit ay mga private employee na limang kaso, tig dalawang kaso sa Government employee at healthcare workers, tig isang kaso sa religious, self employed at iba pa.
Ayon kay Mayor Noel Rosal, pinag aaralan ang ilalabas na panibagong guidelines patungkol sa mga restrictions at protocols laban sa COVID 19.
Aniya, oras na magpatuloy pa rin ang pagdami ng naturang sakit ay inaasahan ng mga legazpeño ay may pagbabago sa restrictions sa lungsod.
Nananawagan ang opisyal, na sumunod sa mga ipinatutupad na minimum health standard protocols upang bumaba na at maging covid free ang lungsod.