KORONADAL CITY – MAGSASAGAWA ng Free Legal Aid Caravan ang Integrated Bar of the Philippines o IBP South Cotabato and General Santos City (IBP SoCGen) Chapter sa iba’t ibang mga munisipyo sa South Cotabato.
Ang “Abogado para sa Masa: Tara, Usap Tayo” ay ilulunsad sa Enero 23 sa Barangay Poblacion, TBoli simula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Dito, magbibigay ng libreng legal consultation ang mga abogadong kasapi ng IBP sa mga mahihirap na nangangailangan ng legal aid. Magpapalabas pa ang IBP ng schedule at venue ng legal aid caravan sa iba pang mga lugar sa South Cotabato.
