Legal action, ikinokonsidera ng Palasyo laban sa nasa likod ng deepfake video ni PBBM

Ikinokonsidera ng Palasyo ng Malacañang ang pagsasampa ng kaso laban sa sinumang nasa likod ng deepfake video ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Presidential Communications Office Asst. Secretary Patricia Kayle Martin, nakipag ugnayan na sila sa Department of Information and Communications Technology o DICT at sa National Security Council, kung saan gumagawa na rin ang mga ito ng malalimang imbestigasyon.

Read More:  PNP gives Sen. Bato one week to surrender over ICC arrest warrant

Ayon pa kay Martin, hinala anya ng DICT na banyaga o foreign actor ang nasa likod ng deepfake video.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Handa rin daw makipag tulungan sa pamahalaan ang malalaking social media platforms tulad ng Meta, Google, at Tiktok sa paglaban sa mga tinatawag na online threats.