Lasing na anak sinaksak ang sariling ama

Sinaksak ni Arjay Jesoro, 19 anyos ang sarili nitong ama nitong Miyerkules, July 6, 2022 sa Purok Cherry, Barangay Sicsican, Puerto Princesa City.

Kinilala ang biktima na si Reno Jesoro, 46 anyos na mayroong tama sa kaliwang braso.

Read More:  San Lazaro Hospital ER in Manila reaches up to 500% capacity amid leptospirosis surge

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa impluwensiya ng alak si Arjay nang dumating sa kanilang bahay kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag-ama na nauwi sa sakitan at hanggang sa masasak nito ang sariling ama.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Samantala, ang suspek ay nasa kustodiya na ng Puerto Princesa City Police Station 2 para sa karagdagan pang imbestigasyon.