3 huli sa umano’y drugs sa Palawan

Huli sa drug buybust operation ang tatlong drug suspect sa Purok Matatag 2, Barangay Panacan 2, Narra, Palawan.

Iniulat ng Palawan Provincial Police Office na ang mga nahuli ay sina John Carlo Capiende Escalante, 30-anyos (High Value Individual), isang tricycle driver, Chrisha Macaldo Reyes (Street Level Individual), 22 pawang residente ng Barangay Poblacion at Nicole Garson Bonbon, 32- anyos na residente ng Barangay Panacan 2, Narra.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ang operasyon ay naisakatuparan sa pinag-sanib pwersa ng Narra PNP, PDEA kasama ang iba pang law enforcement unit ganap na alas-singko ng hapon nitong Miyerkules, July 6, 2022.

Nakabili umano ang poseur- buyer kay John Carlo Capiendo Escalante ng isang pakete ng shabu kaya sila’y inaresto.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Nakuha sa mga suspek ang pitong ( 7 ) plastic shacet na may pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P96,000.00, drug paraphernalias at pera na ginamit na operasyon.

Samantala, mahaharap ang tatlo sa Section 5 and 11 ng RA. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.