Senador muling isinulong ang suspension ng excise tax sa gas at diesel

Muling inihain ni Senador Grace Poe ang panukalang batas para sa automatic suspension ng excise tax sa gasolina at diesel kapag ang average Dubai crude oil price sa Mean of Platts Singapore ay lumampas na $80 per barrel sa loob ng tatlong buwan.

Ang proposed measure layung amyendahan ang section 148 ng National Internal Revenue Code.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Kapag tuluyang maisabatas aabot sa P10 kada litro ang agad na mababawas sa presyo ng gasolina habang P6.00 naman sa kada litro ng diesel.

Nabatid na batas sa inilabas na report ng Philippine Statistics Authority lumubo ang inflation sa lahat ng 17 rehiyon dahil sa tumaas na gastos sa transportasyon.

Read More:  Cayetano warns of ‘sabotage’ in impeachment process ahead of 2028 elections

Naitala ng transportasyon secktor ang 31.7 percent na pagtaas ng inflation noong Hunyo, kung saan ang inflation para sa diesel ay nasa 92.5 percent at 53.9 porsiyento naman para sa gasolina.

Dahil dito tinatayang nasa 20 percent ng 900,000 jeepney driver ang tumigil na sa pamamasada dahil sa pagkalugi mula sa mataas na presyo ng krudo.