Land Transportation Office sa bayan ng Castillejos pinasinayaan na

Pinasinayaan na ang bagong tayong Land Transportation Office sa bayan ng Castillejos, Zambales.

Nitong Byernes ng umaga ay isinagawa ang inagurasyon at ang blessing sa gusali sa pamamagitan ng LTO, Lokal na Pamahalaan at ng iba pang katuwang.

Read More:  Army’s newest Lieutenants include seven from Negros’ CHICKS Area

Sa pamamagitan nito ay hindi na lalayo pa ang mga residente at mga taga iba pang kalapit na bayan na may kinakailangang transaksyon sa opisina.

Read More:  Rare wildlife recorded by camera traps in Mt. Apo Natural Park

Inaasahang sa susunod na linggo naman ay magiging fully operational na ang tanggapan para makapagserbisyo sa mamamayan.

Ayon kay LTO Castillejos OIC Edgardo Da Jose Jr., kumpleto na ang serbisyong mayroon ang ahensya sa bayan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO