Lamok, patay nang mahagip ng sampal ng isang teen-ager na babae sa kaniyang boyfriend

Isang kuwento kamakailan sa isang post sa Reddit ang kinagiliwan ng mga netizen dahil sa nakatutuwang kuwento ng karanasan ng isang teen-ager na babae.

Ito’y matapos na ikuwento niya sa kaniyang post ang kaniyang mala-bangungot na karanasan dahil sa nangyari pagkatapos na kaniyang kumpruntahin at sampalin ang kaniyang boyfriend.

Matapos umano niya kasing sagutin ito ay tila nagbago ito agad at patuloy na ang ka-toxican.

Gaya na lamang na hindi umano ito sobrang maaalahanin at hindi na rin ito nag-rereply sa kaniyang mga reels.

Umabot rin sa puntong iba umano ang niyaya nitong babae sa panunuod ng isang high school romance show.

Kaya naman dito niya na nga kinumprunta at sinampal ang lalaki at sakto palang lumilipad-lipad ang isang lamok na siyang sabay sa paghampas sa pisngi ng kaniyang boyfriend.

Namatay nga ang lamok at pagkatapos nito ay tila hindi na siya mapakali gabi-gabi dahil sa lagi niyang napapanaginipan na naghihiganti ang pamilya ng lamok sa paraang paghahatid ng dengue.

Sa ngayon, ang nakatutuwang post naman na ito ay nagbigay din ng iba’t ibang komento mula sa mga netizen.###WENCY LISAY