𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗘 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗤𝗨𝗔𝗟𝗜𝗙𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗘𝗫𝗔𝗠, 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 Magsisimula na bukas, ika-29 ng Hunyo ang Cauayan City Scholarship Qualifying Examination sa Bamboo Hall, 3rd floor, City Hall Building.
Susundan pa ito ng iba pang mga schedules sa ika-30 ng Hunyo sa kaparehong venue, at sa ika-2, 3, 4 ng Hulyo na gaganapin naman sa FL Dy Coliseum.
Mahigpit naman na ipinapaalala ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan City na magtungo sa testing venue sa nakatakdang schedule at oras.
Magdala rin ng Laptop o Smartphone, photocopy ng Parents’ City ID, photocopy ng Grade 12 school card, at ballpen.