2 araw na pamamahagi ng cash assistance sa mga benepisyaryo ng ESA sa Baras, Catanduanes, magsisimula na ngayong araw

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development  o DSWD-Bicol na isasagawa ngayong araw ng Miyerkules, September 22 at bukas araw ng Huwebes, September 23, ang kanilang pamamahagi ng cash assistance para sa mga residente ng Baras, Catanduanes na benepisyaryo ng Emergency Shelter Assistance o ESA.

Sa pamamagitan ng isang liham, ipinaabot ni DSWD Bicol Regional Director Leo Quintilla kay Baras Mayor Jose Paolo Teves, na nasa 1,023 pamilya mula sa nasabing bayan ang makakatanggap ng P10,000 na cash assistance mula sa naturang ahensya.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang mga pamilyang nawalan ng tinitirhang bahay noong manalasa ang bagyong Rolly ang mayorya sa mga makakatanggap ng nasabing ayuda habang isasabay naman ng DSWD sa pamamahagi ang P3,100 na financial aid sa mga benepisyaryo ng  Cash for Work Program.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kaugnay nito, ipinaalala ng ahensya sa mga benepisyaryo na huwag kalimutang dalhin ng mga ito ang alinman sa mga sumusunod na Identification cards gaya ng: Voter’s Certification; Voter’s ID; UMID ID; Passport; Pantawid ID at marami pang iba.

Inabisuhan rin ang mga ito na mahigpit na ipapasunod sa venue ang minimum health standards kaya’t huwag kakalimutang magsuot ng facemasks at face shield bilang pag iingat sa banta ng COVID-19.###