Lalawigan ng Camarines Norte nakapagtala muli ng isang bagong kaso ng COVID-19 matapos ang halos isang buwang zero case status

CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng isang bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte matapos ang halos isang buwang zero case status

Ang bagong kaso ay nagmula sa bayan ng Talisay na nagbunsod upang magkaroon muli ng aktibong kaso ng sakit sa lalawigan

Una na ring inihayag ng Provincial Health Office na halos isang buwan nang walang naitatalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Pero mayroong dalawang pasyente sa COVID ward ng Camarines Norte Provincial Hospital ang itinuturing na suspect at naghihintay ng resulta ng kanilang RT- PCR test.

Kaugnay nito ay muling hinimok ni Francisco ang mga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na kontra COVID- 19 gayundin ang pagpapabakuna ng booster shot na makakadagdag ng proteksyon sa publiko

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa kasalukuyan, ang Camarines Norte sa tala ng DOH Bicol ay mayroong 2 aktibong kaso,  may 3798 na total recoveries, 252 ang total death case mula sa 4052 cumulative cases na naitala simula ng maranasan ang pandemya