Minerong wanted sa Mercedes dahil sa pananaksak – patay sa kanyang kainuman nalambat ng pulisya sa bayan ng Paracale sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Isang minero na nakatala bilang ika-9 sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Mercedes ang nadakip ng mga operatiba ng Mercedes MPS kasama ng mga operatiba ng Basud at Paracale MPS dakong 1:00 ng hapon nitong Abril 6, 2022  sa Purok 4, Barangay Casalugan, Paracale, Camarines Norte.

Ang nasabing akusado ay kinilala sa alyas na “ANTING”, 28 anyos at residente ng Purok 3, Barangay San Roque, Mercedes, Camarines Norte.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Inaresto ang nasabing akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Homicide na ipinalabas ni Hon. Winston Racoma, Presiding Judge ng RTC Branch 39, Daet, Camarines Norte noong Hulyo 17, 2020 na may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php120,000.00 para sa pansamantala nitong kalayaan.        

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon sa ulat, si ANTING ang akusado sa pananaksak sa kanyang kainuman na humantong sa pagkamatay nito noong Marso, taong 2020 sa Purok 3, Brgy San Roque, Mercedes, Camarines Norte.                                               

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa pangangalaga na ng mga tauhan ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon.