Mandatory vaccination isasagawa sa mga mag-aaral na sasabay sa face to face classes- CHED Bicol

LEGAZPI CITY- Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol, na mandatory ang vaccination sa mga mag-aaral na sasabay sa mga face-to-face classes na magaganap sa rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Education Supervisor II Dr. Ma. Pamela Viñas, ayon sa Joint Memorandum Circular (JMC) ng CHED at DOH mandatory ang vaccination sa mga mag-aaral kung ang mga ito ay sasabay sa face-to-face classes.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Samantala, ang mga hindi naman aniya bakunado ay mapapasama sa flexible learning o ang online at modular classes.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Dagdag pa niya, noong nakaraang taon ay 90% ang target ng Komisyon na mabakunahan ngunit nasa 60% pa lamang ang rehiyon, at nahuhuli aniya ang Bicol kung ikukumpara sa ibang mga rehiyon sa bansa.