Lalaking tumangay ng mamahaling cellphone sa Candelaria, Quezon, arestado

Arestado ang isang lalaki matapos umano nitong tangayin ang cellphone ng isang babae sa Barangay Pahinga Norte, Candelaria, Quezon nitong Huwebes, Mayo 23.

Ayon sa police report, alas-7:37 noon ng umaga nang pasukin ng suspek ang isang tindahan at doon na nito tinangay ang cellphone ng biktima na nagkakahalagang ₱85,000.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge

Samantala, sa tulong ng CCTV, nakilala at naaresto ng awtoridad ang suspek at narekober din ang ninakaw nito.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Candelaria Municipal Police Station ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Theft.