Distribusyon ng Tulong sa mga Magsasaka at Mangingisda sa Rehiyon Dos, Pinangunahan ni PBBM

Personal na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa Lambak Cagayan sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmer Fisherfolks and their Family na isinagawa sa Community center ng siyudad ng Ilagan.

Pinangunahan din nito ang ceremonial distribution ng Presidential assistance na nagkakahalaga ng 10,000 bawat isa sa sampung benepisyaryo mula sa lalawigan ng Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya at Quirino.

Tumanggap ng tig limampung milyong piso ang lalawigan ng Isabela, Cagayan at Nueva vizcaya ,sampung milyon sa probinsiya ng Batanes habang ang probisniya ng Quirino ay tumanggap ng 30.92 million pesos.

Namahagi din ng tulong ang ibat ibang ahensiya ng gobyerno na kinabibilangan ng TESDA na nagbigay ng 42.26 million na training allowance sa 2,474 na benepisyaryo.

Nagbigay ang Kagawaran ng Pagsasaka ng 315 na units ng Pump and engine set,motorized banca at mga farm machineries.

Base sa napag alamang impormasyon ng Brigada News team kay Presidential Communication Office Assistant secretary Joey Villarama, ang PAFFF ay nag simula noong ika-siyam ng Mayo at unang pinuntahan ng Pangulo ang Zamboanga Peninsula.

Layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na lubhang naapektuhan ng El Niño phenomenon sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *