Nahaharap ngayon sa patung-patong na reklamo ang isang lalaki na sinita dahil sa paninigarilyo matapos magwala habang inaaresto ng mga pulis sa Caloocan City.
Ayon sa mga pulis, hindi pa rin tumitigil ang lalaki sa pagsigaw at pagmumura kahit nakaposas na ito at dinala sa presinto.
Nadiskubre din ng pulisya na may warrant of arrest ang naarestong lalaki para sa kasong rape.
Kabilang sa reklamong isasampa sa kanya ang physical injuries, direct assault at resistance and disobedience to a person in authority.