Patrabaho sa may Barangay Pacol, Naga City, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko

NAGA CITY – Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko, ang nagpapatuloy na patrabaho o road repair sa Fr. Phelan Avenue, Barangay Pacol, Naga City.

Bukod kasi sa nakakaabala sa mga motorista dahil sa mabagal na takbo ng trapiko, abala din sa Ateneo De Naga University na nasa naturang barangay lalo na para sa mga mag-aaral.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon kay Renne Gumba, Executive Director ng Public Safety Office ng lungsod, bilang nailapit na ang problema sa kanila sa pakikipag-ugnayan ng paaralan, pinaki-usapan na ang kontraktor na maglagay ng flag sign lalo na’t pansamantalang one way sa lugar, nagpadala na din sila ng tauhan upang magbigay ng road safety and traffic assistance upang mabawasan at maging convenience para sa lahat.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kaugnay nito, pinapaalalahan ang publiko na may patrabaho sa naturang lugar lalo na para sa mga dadaan.