Lalaking pinerahan ang mga babaeng pinaibig niya sa dating app, arestado

Arestado sa entrapment operation ang isang lalaki na modus umano na paibigin ang mga babae na nakikilala niya sa dating app, hihingan ng pera para investment, at iiwanan na pagkatapos.

Kinilala ang suspek na si Jeremiah Jaime Vergara, na inaresto ng mga tauhan ng anti-cybercrime division ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng isang restaurant sa Mandaluyong City.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Nang tingnan ang laman ng bag ng suspek, sinabing may nakitang mga bank passbook sa loob nito at tatlong sachet na may laman umanong cocaine.

Ayon kay Atty. Jeremy Lotoc, hepe ng NBI-anti cybercrime division, naghahanap ng mga target na babae sa dating app ang suspek na nasa edad na 30 hanggang 40.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ang siste, kapag napaibig na ang biktima, aalukin umano ng suspek ang babae ng negosyo para hingan ng perang pangpuhunan ngunit ang pera ay inilalaro umano sa casino.

Nasa 20 babae umano ang nabiktima ng suspek, at aabot sa P15 milyon ang natangay na pera.

Nahaharap naman si Vergara sa mga reklamong estafa at pag-iingat ng ilegal na droga.
#