DOTr, nangangambang mas marami pang magkakasa ng tigil-pasada sa oras na ma-suspend ang PUV Modernization Program

Nangangamba ang Department of Transportation (DOTr) na baka dumami pa ang mga jeepney drivers na magkasa ng tigil-pasada.

Bago pa man kasi ilabas ng Senado ang kanilang resolusyong pinapanawagan ang suspension ng PUV Modernization Program – nagbabala na ang ‘Magnificent 7’, isang samahan ng malalaking transport groups, na ikakasa nila ang tigil-pasada sakali mang matuloy ito.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila ay DOTr Usec. Andy ortega – sinabi nitong marami pang mga kooperatiba ang maaaring makilahok dito.

Malinaw daw kasing nadismaya sila lalo na’t nakapag-loan na sila para sa modernization program.

Read More:  Malacañang hits Erice’s claim that Marcos cannot jail Romualdez

Muli namang nabanggit ni Ortega na inihahanda na nila ang paliwanag sa Senado.

Sa ilalim nito, ilalagad daw nila ang totong estado ng PUV Modernization program.