Sa loob ng 26-taon pinaghahanap ng kaniyang pamilya si Omar B na nawala taong 1998.

Ito ang panahon kung saan kasagsagan ng Algerian Civil War sa kanilang bansa.
Dahil sa tagal na hindi ito makita, inakala ng kaniyang pamilya na pinatay o kinidnap na si Omar.
Ngunit napag-alaman na si Omar ay nakatago lang pala sa basement ng kanilang kapitbahay.
Natagpuan si Omar matapos maglabas ng hinaing ang kapatid ng suspek sa social media patungkol sa ‘di umano’y away sa mana.
Kwento ni Omar hindi siya nakahingi ng tulong dahil mayroon umanong orasyon na ginawa sa kanya.
Nahuli naman ang suspek matapos magtangkang tumakas ng bansa.
Sa ngayon ay ginagamot ang biktima habang patuloy pa ring gumugulong ang imbestigasyon kung bakit siya itinago ng matagal.