NAGA CITY- Tinapos ng bala ng baril ang buhay ng isang lalaki sa San Isidro Pamplona, Camarines Sur kahapon.
Ayon sa ulat ng PNP pasado alas-12 ng tanghali nitong Linggo Marso 24, 2024 nang barilin ng hindi pa nakikilalang sakay ng motorsiklo ang 26-anyos na binatang biktima habang nasa duyan ito.
Napag-alaman na nilalakad sana ng biktima ang dokumento papuntang abroad, habang nasa probinsya.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Michael Vince Fortunado sinabing wala pang malinaw na dahilan sa pamamaslang. Naghahanap ng mga kuha ng CCTV ang mga otoridad para sa pagkakakilanlan ng mga suspek sa nasabing krimen.