Lalaking nangmolestiya, huli sa operasyon ng awtoridad

SORSOGON CITY – Naaresto ang isang lalaking nangmolestya ng menor de edad sa Bacon Dist., Sorsogon City.

Kinilala ng mga awtoridad si James Diolata, 52 anyos, binata, padyak driver at naninirahan sa Brgy. Poblacion ng  nasabing distrito.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa bisa ng warrant of arrest ay nailunsad ang manhunt operation, dahilan para mahuli ang salarin.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nasa kustudiya na ng lokal na himpilan ng pulisya sa nabanggit na lugar ang suspek habang inirekomenda naman ang piyansang aabot sa P180K para sa pansamantalang kalayaan nito.