“Forced Harvest” sa alagang isda, isinagawa sa Sta. Ana, Cagayan; ilang pananim na palay at mais, pinadapa ng bagyong Kiko

Nagsagawa ng forced harvest sa mga alagang isda ang mga fish cage owner matapos makaranas ng maaliwalas na panahon sa Sta. Cruz, Sta. Ana, Cagayan.

Ito ay dahil sa  apektado na ang mga alagang isda ng malabong tubig-dagat bunsod ng mga bumabang putik dulot ng pag-uulan ng bagyong Kiko.

Read More:  Tricycle gutted by fire in General Santos City after welding accident

Inihayag naman ni Stanley Maddagan, ang OIC ng Marine Park Ancillary Support facility ng BFAR, mainam din ito lalo pa’t wala umanong suplay ng isdang dagat dahil hindi na pinayagan pang pumalaot ang mga mangingisda.

Ang mga fish cage owner ay benepisaryo ng Cage for Livelihood Project sa naturang barangay.

Samantala, sa bayan naman ng Gonzaga, Cagayan, bagaman bahagya lamang ang naranasang epekto ng hangin at ulan na dulot ng bagyong Kiko ay pinadapa pa rin nito ang mga pananim na palay at mais ng mga magsasaka.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Sa ngayon ay inaalam na ng mga Municipal Agriculture Offices ang halag ng pinsalang iniwan ng bagyo.

Photo: PIA Region 2